SPONSORED LINKS

MALUGOD na sinasalubong ng Beautederm Corporation ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera-Dantes sa lumalaki nitong pamilya sapagkat opisyal na nakipag-collaborate ang aktres sa kumpanya bilang kaunaunahang celebrity endorser ng pinakabagong line of products ng Beautederm, ang Reverie by Beautederm Home.  


Itinatag ang Beautederm nuong taong 2009 ng Presidente at CEO nito na si Rhea Anicoche-Tan. Kinakatawan ng Beautederm ang prinsipyo ni Rhea na nagsisimula ang kagandahan kapag inalagaan natin ang ating mga sarili, at sa pagawa nito, magiging malusog ang isang tao at aapaw ang kagandahan hindi lamang sa labas ngunit sa loob din. 


Marian Rivera-Dantes

Bilang isa sa mga pangunahing lider ng industriya ng beauty at wellness, binibigyang halaga ng Beautederm ang kaligtasan at pagiging epketibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito. Ang mga produkto ng Beautederm ay gumagamit ng mga natural na sangkap na piangsama-sama upang makapagbigay ng pinaka-mabilis at pinaka-epektibong resulta na parehong long-term at sustainable. Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautederm ay ang Beautederm Skin Set na mayroong patented soap, day cream, at toner; ang Beautederm Facial Wash; at ang Beautederm Origin Senses perfumes for men – na lahat ay top-selling na mga produkto sa mercado ngayon. Sa kasalukuyan, mayroong 41 na physical stores ang Beautederm sa iba’t-ibang panig ng bansa at mayroon itong higit sa isang daang mga resellers di lamang dito ngunit sa ibang bansa din.

Ang Reverie by Beautederm Home ay isang exquisite line ng mga home scents – mula sa mga soy candles hanggang sa mga room at linen sprays – na nilkha ng Beautederm sa pakikipagtulungan kay Marian upang mapabango ang bawat tahanan.

Ang Reverie ay laro ng salita sa pagitan ng apelyido ni Marian nuong siya ay dalaga pa at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito – ang mag-drift away, managinip, at mag-relaks habang nag-eenjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beauteful scents of love ng Beautederm Home. Ang Reverie line of Beautederm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) – lahat ay pawang nilikha mula sa pormulasyon hanggang sa indibidwal na packaging sa very close collaboration kasama si Marian.

Isang icon ng kagandahan na mayroong timeless charm at a keen sense of style na sinamahan pa ng soothing aura of motherly warmth – ilan lamang ito sa mga katangian kung bakit si Marian ang isa sa pinaka-respetado, enduring, at credible band endorsers sa Pilipinas ngayon.

Mayroong di matatawarang track record si Marian pag dating sa mga desisyon niya sa kanyang karera at personal na buhay. Bilang isa sa pinaka-mahusay na aktres sa industriya, nagbida siya sa madaming critically-acclaimed na mga pelikula at sa isang consistent string top-rating primetime series sa Kapuso Network, isa na dito ang katatapos lamang na drama-action-fantasy top-rater na Super Ma’am. Isa rin siya sa mga main hosts Sunday afternoon variety show ng GMA-7, ang Sunday Pinasaya.

Ganun pa man, ang top priority ni Marian ay ang kanyang ultimate role bilang asawa, ina, at homemaker sapagkat only the best lamang para sa kanyang pamilya ang kanyang nais.

Para kay Marian, ang pagkakaroon ng maligayang tahahan ay ang pagkakaroon ng isang warm, safe, at pleasant na environment kung saan naguumapaw ang love, care, at comfort. “Sa wakas, ito na po ang isa sa mga best kept secrets ko – ang Reverie by Beautederm Home,” sabi ni Marian. “Ito talaga ang aking personal choice para sa akin at para sa aking pamilya. Nagpapasalmat ako sa Beautederm at kay Rhea para sa tiwala na i-represent ko ang amazing line of products na ito. Talagang ginamamit ko po ito sa bahay because I want only the best for my family. Sobrang fresh at nakaka-relax ang amoy ng bahay namin at gusto ko itong i-share sa lahat.”

Dinagdagan pa ni Rhea Tan, “Ito ang dahilan why we partnered with Marian – to make her simple, practical yet very stylish lifestyle accessible to everyone.”

Para sa karagdagang impormasyon sa Reverie by Beautederm Home at sa mga kapana-panabik na updates kay Marian, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautederm sa Facebook.

SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top