SPONSORED LINKS

Kung makakausap mo ang sarili mo galing sa nakaraan, gagawin mo ba para mabago ang kasalukuyan mo?
Kakaibang twist ng nakaraan ang handog ng Film Development Council of the Philippines at Cine Lokal ngayong Abril. Isang science fiction mula sa 2017 Cinema One Originals Independent Film Festival ang ‘Throwback Today,’ debut feature film ni Joseph Teoxon.

Impressive ang line up ng mga aktor sa pelikulang ito na pinangunguhan ni Carlo Aquino kasama  sina Annicka Dolonnuis, Kat Galang, Benj Manalo at Empress Schuck.
Ipapalabas ito sa walong (8) SM Cinema ng Cine Lokal.
Tungkol it okay Primo, isang binatang mahusay sa production designing na nagnanais na magtagumpay sa hinaharap. Sa hindi inaasahang pangyayari, sunod sunod na problema ang dumating sa buhay niya. Naging malayo ito sa inaasahan niyang buhay. Habang sinusubukang mamuhay sa kabila ng nararanasan niyang mga kamalasan, nagkaroon ng technological glitch ang kanyang desktop computer at nagkaroon ng pagkakataong makausap ang kaniyang nakababatang sarili.
Pasukin and mundo ng nakaraan at hinaharap sa pelikulang ito na mapapanood saw along (8) SM Cinema ng Cine Lokal: SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall and SM Bacoor:

THROWBACK TODAY
Directed by Joseph Teoxon
Opens APRIL 20
1:00pm, 3:30pm, 6:00pm and 8:30pm








SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top