SPONSORED LINKS
Habang busy ang showbiz world sa Golden Globes ay hindi naman pakabog ang birthday celebration ng producer and film industry friend nating si Dennis Evangelista.

Fresh from Italy!

Special and handaan. BG Productions, care of Ms. Baby Go ang party na ginanap sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.

Star studded ang event na dinaluhan ng mga taong malapit sa puso ni Dennis na sina Ana Capri, Jaycee Parker, Derrick Monasterio, at marami pang celebrities. Naroon din ang kanyang mga malapit na kaibigan sa press at film industry


Present siyempre si Allen Dizon kasama ang kanyang pamilya, na kakatapos lang gumawa ng tatlong projects kay Direk Brillante Mendoza. Malapit niyo ng mapanood yan.

Dumalo din ang mga batikang direktor na si Maryo J. De Los Reyes, Louie Ignacio, Joel Lamangan at marami pang iba.


Si Joel Lamangan ang direktor ng pelikulang SIPHAYO kung saan nagwaging Best Actress si Nathalie Hart sa 7th International Film Festival Manhattan (IFFM).

Dahil dyan ay nagsunod sunod na nga ang mga projects ni Nathalie kasama na dyan ang latest movie niya from Star Cinema.

May lalabas siyang movie this February kasama si Coleen Garcia kaya abangan niyo yan.

Heto at may kaunting chika naman siya tungkol sa LOVE, at kung anong hinahanap nya sa isang guy?

  Si Dennis ang personal na pumili kay Nathalie sa mga projects na ginagawa niya.
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top