SPONSORED LINKS


Apat na taon na mula noong ma-annul ang kasal nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Pero hanggang ngayon ay naidadawit pa rin sila sa mga usapang tsismis sa showbiz.

Isa sa mga tsismis na ilang taon nang kumakalat ay ang pagbili umano ni Cesar sa isang bold movie na pinamagatang "Dukot Queen" mula sa Viva Films para hindi na ito maipalabas sa sinehan at sa mga DVD. Ayon sa tsismis, maraming maseselang eksena si Sunshine sa nasabing pelikula.


 Sunshine Cruz

Kamakailan ay na-interview si Sunshine sa "Headstart" sa ANC. Nang mapag-usapan ang dating relasyon nila ni Montano, sinabi ng aktres na alam niyang ginawa niya ang lahat para maisalba ang pagsasama nila.

"It took me 13 years to save it," sabi ni Sunshine. "But na-realize kong talagang walang pupuntahan and we are both miserable already, so I guess it’s time to move on."

Naka-post sa Facebook page ng ABS-CBN News ang interview ni Sunshine sa "Headstart." Inulan ang post ng mga comments mula sa mga netizens at sa dami ng mga ito, isa lang ang hindi matiis na sagutin ng aktres.

“But sunshine should still be thankful to cesar for bailing her out,” sabi ng isang Facebook account na may pangalang Ricardo Lorea. “Before their marriage cesar paid millions to a movie producer to stop the film from being shown to the public. Allegedly, there was a BJ session in it.”

Dalawang oras pagkatapos ma-post ang comment na ito, agad na sumagot si Sunshine. Sabi ng aktres, “Kuya Ricardo Lorea, I don't usually reply to silly comments pero nakakagulat ang iyong pagiging chismoso at pagiging uto-uto mo sa mga haka-hakang iyong naririnig sa mga taong pinagmumukhang bayani ang ex ko. Lalake ka ba o sadyang mapagawa ng kwento?”

“To set this straight, Dukot Queen is an unfinished movie directed by Tikoy Aguiluz,” paliwanag ni Sunshine. “It was never bought by my ex husband, it was a supposed sexy movie that I did not finish because my parents couldn't anymore accept the fact that I am doing sexy/bold films back then. Sa kasamaang palad unedited love scenes were stolen sa Viva films and spread as pirated dvds.”

Binanggit din ni Sunshine na alam ni Cesar ang tungkol sa “Dukot Queen” bago pa sila magpakasal at nagkakilala sila noong magdesisyon siyang magpa-sexy sa mga pelikula. Hiling ng aktres ay maklaro na ang lahat tungkol sa tsismis na binili ng dati niyang asawa ang pelikula.

“Hindi ko po sya kailangan pasalamatan,” pagtatapos ni Sunshine. “Sya po ay dapat hiwalayan sa rason na ako at ang mga anak ko ang nakakaalam.”
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top