SPONSORED LINKS



Isa ang Kapuso actor na si Mark Herras sa mga pinakanagbunyi noong Nov. 4. Sa araw na ‘yon, kinoronahan ang girlfriend niyang si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia.

Noong Nov. 13, umuwi na sa Pilipinas si Winwyn. Pagkalipas lang ng ilang oras pagkarating sa bansa, dumalo si Winwyn victory party na inihanda ng Miss World Philippines para sa kapapanalong Reina Hispanoamericana 2017 sa Quezon City at sinamahan siya ni Mark. 



Glyssa Perez, Cynthia Thomalla, Teresita Marquez, Sophia Senoron, Arnold Vegafria

Sa panayam ng Conan Daily kay Mark, tinanong ang Kapuso actor kung ano ang iniregalo niya kay Winwyn. Sabi ni Mark, binigyan niya ang girlfriend niya ng carnation, ang paboritong bulaklak ng dalaga.

Pero higit sa lahat, dagdag ni Mark, ang samahan si Winwyn at manatili sa tabi niya ang pinakamahalagang regalong maibibigay niya rito. Tiniyak din ni Mark na hindi magiging problema sa kanya kung pagtutuunan ni Winwyn ng pansin at oras ang kanyang mga obligasyon bilang Reina Hispanoamericana 2017 at hindi maaapektuhan ang relasyon nila.

Sa parehong okasyon, tiniyak ni Winwyn sa kanyang mga fans na hindi siya hihinto sa pag-arte. Sabi ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, tatanggap pa rin siya ng mga acting projects at ipagkakatiwala niya sa Miss World Philippines sa pamunuan ni Arnold Vegafria kung ano ang mga nararapat na roles at projects para sa kanya.

Wala si Laura Lehmann sa naturang okasyon dahil kasalukuyan itong nasa China para sa Miss World 2017. Ang mga dumalo sa victory party ay sina Miss Multinational Philippines 2017 Sophia Senoron, Miss Eco Philippines Cynthia Thomalla at Miss World Philippines First Princess Glyssa Perez. 

Panoorin ang panayam kay Mark dito: 


SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top