SPONSORED LINKS

Kinumpirma ng ABS-CBN ang pagkamatay ni Franco Hernandez, 21, isa sa mga miyembro ng male group na #Hashtags na regular na lumalabas sa noontime show na "It's Showtime." Namatay ang binata pagkatapos malunod sa Mindanao noong hapon ng Nov. 11, Sabado.

Ang balita ay unang nanggaling sa tweet ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe. Ayon sa tweet, kinumpirma ng management ni Franco na Cornerstone Management na nalunod ang binata habang nasa isang resort sa Davao Occidental kasama ang isa pang #Hashtags member na si Tom Doromal.

 Franco Hernandez (Facebook/Franco Hernandez)

Sinasabing pagmamay-ari ni Tom ang resort. Kasama diumano nina Tom and Franco ang girlfriend ng huli nang mangyari ang aksidente. Pabalik umano ang tatlo sa North Lamidan, Don Marcelino nang tumama ang malakas na alon sa sinasakyan nilang bangka. 

Ayon sa ulat, nahulog sina Franco at Tom kaya sinubukan silang sagipin ng dalawa sa mga crew ng bangka. Nang matagpuan ang katawan ni Franco, wala na raw itong malay kaya isinugod ito sa Estacion Medical Clinic na nasa katabing bayan, ang Malita, kung saan siya idineklarang patay ng doktor na si Nimayre Macabaya, ayon sa Bandera

Isa si Franco sa mga bagong miyembro ng #Hashtags. Kasabayan niya sina Bugoy Carino, Vitto Marquez, Wilbert Ross, Maru Delgado, Rayt Carreon, Kid Yambao and CK Kieron.

Isa naman si Tom sa mga orihinal na miyembro ng grupo. Kasabayan niya sina Luke Conde, Paulo Angeles, Ryle Paolo Santiago, Jon Lucas, Ronnie Alonte, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Jameson Blake, Jimboy Martin at Zeus Collins.


SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top