SPONSORED LINKS



Pagkatapos ng “I Heart Davao” ay wala pang project na magkasama ulit sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Sa ngayon, muling babalik si Carla bilang co-host ni Chef Jackie Ang Po sa “Del Monte Kitchenomics” sa GMA.

Sa panayam sa Conan Daily sa launching ng bagong season ng "Del Monte Kitchenomics," tinanong si Carla kung sino dapat ang mas nagluluto, ang asawang babae o ang asawang lalaki. Para sa aktres, tradisyon naman talaga na ang babae ang gumagawa sa mga gawaing bahay pero wala namang problema kung ang lalaki ang tagaluto depende sa sitwasyon.


 Tom Rodriquez, Carla Abellana


Nabanggit sa panayam na sa future ay magkakaroon din siya ng pamilya kasama si Tom. Para kay Carla, kapag dumating ang araw na iyon, mas ipagluluto niya si Tom kaysa ipagluluto siya ni Tom.

Wala pang nababanggit pareho sina Tom at Carla tungkol sa pagpapakasal. Pero sa husay ni Carla sa pagluluto ngayon ay mukhang handa na itong maging maybahay ni Tom.

February 2015 noong maging official na mag-boyfriend –girlfriend sina Carla at Tom. Bago nito, nagkasama sila sa 2014 movie na “So It’s You” kasama si JC de Vera.

Noong November 2015, pinagbidahan nina Carla at Tom ang “No Boyfriend Since Birth (NBSB)” sa direksiyon ni Jose Javier Reyes. Kasama nila sa pelikula sina Mike Tan, Mylene Dizon, Bangs Garcia at Luke Conde.

Unang nagkatrabaho sina Carla at Tom sa GMA teleserye na “My Husband’s Lover.” Nakasama nila sa main cast si Dennis Trillo na gumanap na secret love interest ng karakter ni Tom, na asawa naman ng karakter ni Carla.

Noong 2014, nagkasama ulit sina Carla at Tom sa GMA teleserye na “My Destiny” kasama sina Rhian Ramos at Sid Lucero. Nagkasamang muli sina Carla at Tom sa “I Heart Davao” na umere sa GMA mula June 26, 2017 hanggang August 18, 2017.
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top