SPONSORED LINKS



Isa si Basti Artadi sa mga musicians na kasama sa cast ng “Historiographika Errata,” pelikula ni Direk Richard Somes. Ang pelikula ay isa sa pitong entries sa Cinema One Originals Film Festival 2017. 

Sa panayam ng Conan Daily, nilinaw ni Artadi na hindi siya kakanta sa “Historiographika Errata.” Sinabi niya na excited na siya para sa pelikula at dapat itong panoorin ng mga Pilipino.


Kevin Roy, Basti Artadi, Lolita Carbon, Aji Adriano, Bobby Balingit


Bukod kay Artadi, nasa pelikula din sina Kean Cipriano, Jet Pangan, Dong Abay at Kevin Roy. Si Abay ang frontman ng Yano at si Roy naman ang frontman ng Razorback. 

Si Artadi naman ang lead vocalist ng Wolfgang. Noong Oct. 20, kasama sina Artadi, Abay at Roy sa mga Filipino rock music legends na nag-perform sa “Full Blast Pinoy Super Bands” concert sa Cuneta Astrodome kabilang sina Lolita Carbon ng ASIN at sina Mike Hanopol, Pepe Smith at Wally Gonzales ng Juan Dela Cruz. 

May apat na episodes ang “Historiographika Errata” at sa isang episode ay gaganap bilang katipunero sina Cipriano, Pangan, Abay at Roy. Kasama rin sa cast sina Joem Bascon, Max Eigenmann, Alex Medina, Nathalie Hart, Jess Mendoza at Rafa Siguion-Reyna.

Panoorin ang “Historiographika Errata” sa Nov. 13-21 sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Cinema 76, Cinematheque Kalaw at U.P. Cine Adarna at sa Nov. 22-28 sa Power Plant Mall. Narito ang buong panayam kay Artadi:



SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top