SPONSORED LINKS



Seryoso sina Maja Salvador at Aiko Melendez sa pagganap sa mga respektibo nilang mga karakter sa teleserye ng ABS-CBN na “Wildflower.” Kaya naman sa kagustuhan nilang pagandahin at gawing makatotohanan ang mga eksena, minsan ay nauuwi sa aksidente.

Sa panayam ng Conan Daily kay Aiko, ikuwinento ng aktres ang isang eksena nila ni Maja kung saan nag-away ang kanilang mga karakter. May kasamang cake ang eksena at parehong naka-heels ang dalawang aktres kaya nadulas sila.

 (Gelli de Belen, Conan Altatis, Aiko Melendez)

Hindi sinasadyang matusok ang isang mata ni Aiko ng daliri ni Maja. Noong una hindi naramdaman ni Aiko ang sakit hanggang sa mapansin ng kanilang co-actor na si Wendell Ramos na may maliit na blood clot sa isang mata ng aktres.

Isinugod sa ospital si Aiko at napag-alamang hindi naman humantong sa malalang sitwasyon ang aksidente. Gayunpaman ay panay daw ang iyak ni Maja dahil nakokonsensiya ito at nasaktan ang co-actor sa “Wildflower.”

Paglilinaw ni Aiko ay hindi naman daw niya sinisisi si Maja at naiintindihan niyang nangyayari talaga ang aksidente sa ganong mga matitinding eksena. Ipinagpapasalamat na lang ni Aiko sa Diyos at hindi siya nabulag.

Nang tanungin si Aiko kung papaya ba siyang masaktan din ng pisikal ang anak niyang si Andre Yllana sa mga eksena sa pelikula o sa teleserye, agad na umoo ang aktres. Natatawang sabi ni Aiko ay dapat handa si Andre sa mga sampalan tulad ng mga pinagdaanan niya at tutal, may bayad naman ito.

Nag-uumpisa na rin sa karera niya bilang artista si Andre. Kasalukuyan siyang ipinapareha sa kapwa niya teen star na si Heaven Peralejo.

Ibinunyag ni Aiko na hindi nililigawan ni Andre si Heaven. Idinagdag ni Aiko na may niligawan daw ang kanyang anak pero hindi siya sinagot.

Bilang isang acting coach, payo naman ni Aiko sa mga bago at mga nag-uumpisang mga aktor na dumaan muna sa mga acting workshops bago isalang sa mga eksena. Naikuwentro rin ni Aiko na noong panahon nila kasama ang best friend niyang si Gelli de Belen, disiplinado ang mga artista pagdating sa pagsunod call time at pagkabisado ng script at hanggang ngayon ay dala-dala nila ito. 

Panoorin ang buong panayam kay Aiko dito:

 
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top