SPONSORED LINKS

Inanunsiyo na ang mga makakasama ni Coco Martin sa kanyang gagawing pelikula, ang “Ang Panday.” Apat sa kanila ay mga beteranong aktor na itinuturing na mga haligi ng industriya at ang isa ay isang beauty queen na galing din sa pamilya ng mga artista.

Hindi pa man natatapos ang matagumpay at penomenal na “Ang Probinsiyano” sa ABS-CBN, nais ni Coco na buhayin ang isa pa sa mga obra ng yumaong si Fernando Poe Jr. na kilala rin bilang si FPJ. Maliban sa pagganap sa pangunahing karakter sa “Ang Panday,” si Coco rin ang director at producer ng pelikula.



Narito ang mga kinompirmang makakasama ni Coco sa “Ang Panday”:

1.      Eddie Garcia, 88
Gumaganap si Eddie bilang Don Emilio Syquia sa “Ang Probinsiyano.” Ang pinakauna niyang pelikula ay ang “Kahit ang Mundo’y Pumanaw” noong 1949 at ang pinakahuli ay ang “Tatlong Bibe” na ipinalabas noong Marso 1, 2017.

2.      Gloria Romero, 83
Ang “Kasintahan sa Pangarap” noong 1951 ang unang pelikula ni Gloria. Kasalukuyan siyang napapanood bilang si Lola Goreng sa “Daig Kayo ng Lola Ko” ng GMA.

3.      Jonee Gamboa, 80
Kasama si Jonee sa orihinal na “Ang Panday” bilang sidekick ni FPJ. Noong 1977 ay nanalo si Jonee bilang Best Supporting Actor sa MMFF sa pagganap niya sa “Burlesk Queen.”

4.      Jaime Fabregas, 67
       Gumaganap si Jaime bilang si Police C/Supt. Delfin Borja sa “Ang Probinsiyano.” Bukod sa  pag-arte ay isa ring musical scorer si Jaime at napanalunan ang Best Musical Score para sa “Kutob” sa MMFF noong 2005.

5.      Mariel de Leon, 23
Noong Abril 30, 2017 ay kinoronahan si Mariel bilang Bb. Pilipinas-International. Anak siya ng mga beteranong artistang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Kalahok ang “Ang Panday” sa Metro Manila Film Festival 2017 sa Disyembre. Isa sa mga makakalaban nito sa takilya ang pelikula nina Vice Ganda at Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

(photo from Instagram/Coco Martin)


SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top