SPONSORED LINKS

Marami sa mga artistang gumanap at gumaganap pa sa “Ang Probinsiyano,” na kasalukuyang nasa second book, ay nadirek na ni Brillante Mendoza, ang kauna-unahan at nag-iisang Pilipinong direktor na nanalo ng Cannes Film Festival Best Director.

Narito ang ilan sa kanila at ang mga karakter na ginampanan o ginagampanan nila sa “Ang Probinsiyano” ng ABS-CBN:
 1. Coco Martin bilang SPO2 Ricardo "Cardo" Dalisay and Police S/Insp. Dominador "Ador" B. de Leon. (photo from Instagram/Coco Martin)

2. Allan Paule bilang Melencio Aguilar. Sa pelikulang "Ma' Rosa," siya ay isang gay benefactor.


3.  Mercedes Cabral bilang Aurora

4.  Kristoffer King bilang Alwyn Recio

5.  Julio Diaz bilang Julian Valerio

6.  Simon Ibarra as young adult Emilio Syquia

7.  Gina Pareño bilang Maria Olga "Madam Olga" Fernandez

8.  Angel Aquino bilang Brigadier General Diana T. Olegario

9.  Cherry Pie Picache bilang Linda Aguilar

10. Ronnie Lazaro bilang Don Romano Recio

11. Maria Isabel Lopez bilang Clarissa Subito

12. Mon Confiado bilang Mr. Cheng Lao

13. Sid Lucero bilang Major Manolo "Nolo" Catindig

14. Archie Adamos as Mang Leroy

15. Bernard Palanca bilang Deltro

16. Jhong Hilario bilang Homer/Alakdan

17. Ruby Ruiz bilang Choleng

18. Bembol Roco bilang Police C/Supt. Redentor Almario

19. Baron Geiser bilang syndicate in-charge

20. Lou Veloso bilang Mang Miyong

21. Felix Roco bilang mall hold-upper

22. Kiko Matos bilang Enteng

Ang mga pelikula ni Brillante Mendoza na pinagbidahan ni Coco Martin ay ang “Masahista,” “Tirador,” “Serbis,” “Kinatay,” at “Captive.” Nakasama ni Coco Martin sa “Masahista” si Allan Paule at sa “Tirador” sina Kristoffer King, Julio Diaz at Simon Ibarra.

Sa “Serbis,” muling nakasama ni Coco Martin sina Julio Diaz at Kristoffer King. Kasama rin dito sina Mercedes Cabral at Gina Pareno.

Ipinalabas ang “Masahista” noong 2005 bilang kauna-unahang pelikula ni Brillante Mendoza. Sinundan noong 2006 ng “Kaleldo” na pinagbidahan nina Allan Paule, Cherry Pie Picache at Angel Aquino.

Sa “Captive,” nakasama ni Coco Martin muli sina Mercedes Cabral at Allan Paule. Nasa pelikula rin sina Ronnie Lazaro, Angel Aquino, Maria Isabel Lopez, Mon Confiado, Sid Lucero, Archie Adamos at Bernard Palanca.

May dalawang pelikula si Brillante Mendoza noong 2009, ang “Kinatay” at “Lola,” na parehong nagtampok kina Jhong Hilario at Ruby Ruiz. Sa “Kinatay,” muling nagkasama sina Coco Martin, Maria Isabel Lopez, Julio Diaz at Mercedes Cabral.

Noong 2012, bumida si Mercedes Cabral sa “Thy Womb” ni Brillante Mendoza kasama si Bembol Roco. Noong 2013, ipinalabas ng director ang “Sapi” kung saan kasama sina Baron Geisler, Mercedes Cabral at Kristoffer King sa mga gumanap.

Noong 2015, bumida sina Julio Diaz at Ruby Ruiz sa “Taklub” ni Brillante Mendoza. Kasama nila rito si Lou Veloso.

Ang pang-apat at pinakahuling pelikula ni Brillante Mendoza sa Cannes Film Festival ay ang “Ma’ Rosa” na ipinalabas noong 2016. Bumida rito si Felix Roco kasama sina Allan Paule, Mercedes Cabral, Kristoffer King, Julio Diaz, Maria Isabel Lopez, Mon Confiado,  Ruby Ruiz at Baron Geisler.

Sa telebisyon, naging artista rin ni Brillante Mendoza sina Felix Roco, Baron Geisler at Kiko Matos sa bagong TV series na "AMO." Ipapalabas ang bagong series sa TV5 sa Sityembre 20, 2017. 
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top