SPONSORED LINKS
For the first time ay sinubukan ni Bea na magtinda ng bake goodies tulad ng cake, cookies at cupcake sa Christmas bazaar ng SM Megamall Megatrade Hall B, Sunday Dec. 6.

Siya mismo ang nag-bake ng mga ito at very positive naman ang feedback ng mga tao, ang iba ay dumayo pa galing probinsya para dito.

Kaya naman masaya si Bea dahil succesful ang kanyang baking business.

Madalas ay naging feature ni Bea ang mga pagkain sa Good News sa GMA News TV kaya naman marami itong naging friends na Chef at kapag gusto nya ang isang pagkain ay tinatanong niya ang mga ingredients nito.

Kaya naman nahilig na rin siya sa pagba-bake ng mga cake, cupcakes at cookies.

Kasama ang kanyang kapatid na si Benice at ang kanyang Mommy Carina, naging matagumpay ang kanyang first experience sa pagbebenta ng mga bake goodies.

Fulfilled kaya sulit naman ang kanyang pagpupuyat para ma-bake ang mga ito: Red Velvet Cupcakes, Banana Loaf, Nutella Crinkles, Choco Chips, at Walnut Muffins.

Magtintinda ulit si Bea sa iba pang mga bazaar kapag okay sa schedule niya.

Nasa bazaar din ng Megatrade Hall B ang kanyang mga perfumes na 'arctic rituals' na mabibili sa SM Department Stores.


Sa murang edad ay nakitang masipag na bata si Bea, malayo ang mararating niya.






Bea Binene sell Bake Goodies at the Megatrade Hall B

SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top