SPONSORED LINKS
Bea Binene is  a role model and an outstanding student who graduated at ETON International School.

In a pocket presscon held in Cafe Romulo, she says she is grateful for all the blessings including her career and studies.

On Studies

Pinakamalapit sa Comm. Arts. na course ang AB Film, kaya ito ang kinuha ni Bea Binene sa Meridian International School.

Regular Freshman Student si Bea ngayon kasabay ng kanyang pagiging artista. 18 units ang load nya.



Gusto mo bang maging filmmaker in the future?

'Of course' ang sagot ni Bea. Para sa kanya same field ito sa course na gusto niyang kunin. (Comm. Arts)

'Itinuturo din naman dito ang camera angles at mga shots [wide shot, close up, pan, tilt]' kung saan ay interested din siyang matutunan.

Hindi man sa creative side, mas pinipili ni Bea ang technical aspects ng filmmaking gaya nga ng mga nabanggit niya.

Aminado naman si Bea na hirap pa siyang gumawa ng script at bumuo ng concept kaya naman nag-aaral siya ng mabuti dito.

Sa ngayon ay mas gusto nga ni Bea yung pagdidirect, paghawak ng camera. More on execution kumbaga.

Dahil sa interesado siya sa camera works, inaalam ni Bea kung sino ang Director of Photography ng mga pelikulang napapanood niya.

Nang mapanood ni Bea ang hollywood film na 'Everest' ay napaiyak daw siya at namangha sa pagkakagawa nito.


Mahilig umakyat ng bundok si Bea, naakyat niya na ang Mt. Maculot at ang Pico de Loro.

May balak din siyang akyatin ang Mt. Pulag in the future.
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top