SPONSORED LINKS

Isang Foreignay at isang Mangyan, patutunayan na true love sees past the skin – sa isang nakakakilig na episode ng Magpakailanman!

Nang ipadala ang Amerikanang si Jenessa sa Pilipinas para sa kaniyang teaching mission, malungkot ang dalaga sa pagkakalayo niya sa kaniyang pamilya—at sa paniniwalang wala na itong mga pakialam sa kaniya. Mga bagay na makakalimutan niya sa kaniyang pagkilala kay Shem, isang Mangyan.

Ngayong Sabado, samahan sina Max Collins at Rodjun Cruz sa kanilang pagsasabuhay ng nakaka-in love na kuwento ng isang guro at ng estudyanteng nagturo sa kaniya ng iba't-ibang uri ng pag-ibig.

Itinatampok rin sa episode na "Love Me For What I Am: the Shem and Jenessa Dizon Story" sina Abel Estanislao, Lester Llansang, Marc Justin Alvarez, Kyle Ocampo, Ina Feleo, at Allan Paule, sa masugid na direksyon ni Neal del Rosario at sa panulat ni Jessie Villabrille, mula sa research nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs this Saturday, March 28, after Pepito Manaloto.


All sure that this would be another great episode of Magpakailanman 

SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top