SPONSORED LINKS
Ayos Ka (Music Video)

ANC produced the AmBisyon 2010 film series in the name of public interest, to offer a nation on the verge of a critical election the chance to focus on issues. 

Ayos ka is a short film documentary directed by Brillante Mendoza





LYRICS

Ayos ka

*Sa pilipinas ayos ka 3x

  Masasabi natin buhay ay maganda

  Repeat * 2x


 Pilipinas bayan lupa ina sinilangan natin

 Wala kang makikitang pamilyang walang makain,

 Wala ring makikitang bata sa lansangan

 Na inabanduna ng kanilang mga magulang

At pag-sapit ng halalan ay walang kurapsyon,

Sa paligid walang makikitang prustitusyon.


Walang patayang nangyayari

At nakawang nagaganap

Sa pilipinas masasabing ang buhay ay masarap.

Dahil dito ay hindi na lumaganap pa ang droga

Makikita mo silang winawasiwas na ang toga.

Dahil lahat ng kabataan dito ay nakapagtapos

At wala nang rally pa ang susunod sa edsa dos.


Hindi kami kinakapos kasi mataas ang pasahod

At hindi na rin kami parang kalabaw kumayod.

Ganyan sa pilipinas kay sarap talagang mamuhay

Makakain na kami, isda, prutas, at gulay.

Repeat *


Wala na ring nakukulong kaya wala ng bartolina

Mura na ang pamasahe pati na ang gasolina

Pag-unlad unti-unti na rin nating natatanaw

At wala na ring patayan sa maguindanao

Hindi nabibili ng pera ang hustisya at hukom

At wala na ring pamilya ang mamamatay sa gutom

Ang mga bata sa ngayon ay nakapagtapos ng pag-aaral

Pag-unlad ng pilipinas mabilis hindi mabagal

Kaya sa pilipinas kay sarap ng manirahan

Kasi nagkaayos na ang sulo at ang basilan

At wala na ring putukan sa ngayo’y maririnig

At wala nang bata sa gutom nanginginig

Ganyan sa pilipinas, maayos na ang mga buhay

Napatayuan na  rin kami ng mga sarili naming bahay

Ang patunay sa puso ko pilipinas ang pumukaw,

At sumimbolo sa tatlong bituin ang araw


#kabataan tara na, sa bayan ikaw ang pag-asa

  Halika na, huwag mong iisipin na hindi mo kaya

  Kaginhawaan ay ating matatamasa

  Repeat # 2x


Ako ba talaga ang pag-asa?

Bakit hindi ko matamasa?

Nawalan na ako ng pag-asa

Ng libro ay hindi na mabasa

Lapis ay hindi na matasa

Hindi na makasulat pa sa papel

Ang pangarap ko maging piloto

Sa eroplano na lang ba na papel?

Yan ba ang pag-asa ng bayan

Mga batang walang kinabukasan

Kung imbes na nag-aaral ay nakakalat

Sa lansangan

Lata na lang ang laging hawak

Di matupad ang mga pangarap

Kay tagal ko nang minithi, kay tagal ko nang hinanap

Nais ko lang makitang muli

Sa mga bata ang tunay na ngiti

Na sinasabi na pag-asa ng bayan, sa pilipinas mag-aahon muli

Magmadali tayo na maitawid

Ang kaalaman ay maihatid

Sa kabataan na naghihintay ng kinabukasan na hindi mabatid

Ang awiting ito ay inialay

Sa kabataang pinahirapan

Tandaan ang panginoon kailanaman

Di ka pinabayaan

At hinayaan

Ang mga pangarap mo sa buhay na maabot

Nang hindi ka mapabilang sa mga tao

Na suki ng bawal na gamot

Repeat #

SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top