SPONSORED LINKS
Ikinasal na ngayong araw, May 1, ang The Legal Wife actor na si Jericho Rosales at ang TV host-model na si Kim Jones.
Naganap ang kasalan sa Shangri-La's Boracay Resort & Spa. Tatlong lugar sa nabanggit na beach hotel ang inireserba para sa okasyong ito: Ang garden para sa aktuwal na wedding ceremony, ang Cielo Open Air Resto para sa cocktails, at ang beachfront para sa dinner at program.


Dinaluhan ang very intimate wedding nina Kim at Jericho ng kanilang mga kapamilya at mga malalapit na kaibigan.
Kabilang sa mga celebrity na dumalo ay ang mag-asawang Gary at Angeli Pangilinan-Valenciano; ang mga anak nilang sina Kiana, Paolo, at Gab na kasama naman ang girlfriend na si Tricia Centenera; Jed Madela, Jay-R, at Coney Reyes.
Suot ni Jericho ang sand-colored suit na gawa ni Francis Libiran.


Read more from the source: PEP
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top