SPONSORED LINKS
Naging matagumpay ang party at charity auction ng Manny Pacquiao Foundation para sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.
Ito ay ginanap sa tahanan ni Victorino Noval sa Beverly Hills noong April 15 at nagbayad ng US$1,000 each ang lahat ng mga dumalo.
Binili sa halagang US$40,000 ang duguan na boxing trunks na ginamit ni Congressman Manny Pacquiao sa laban nila ni Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand Arena, Las Vegas, noong April 12.


Nabenta naman sa halagang US$10,000 ang kanyang boxing gloves.
Kapwa tumanggi ang mga highest bidder na i-release sa media ang kanilang mga pangalan.
Meanwhile, ang kampo ni Justin Bieber ang naglabas ng litrato nila ni Pacquiao sa kanilang hindi sinasadya na pagkikita sa The Grove, isang kilalang shopping complex sa Los Angeles, California, noong April 16.
Read more from the source: PEP
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top