SPONSORED LINKS
Dumating si Gretchen Barretto sa Marikina Regional Trial Court Branch 192, ngayong araw, December 19, para tumestigo laban sa kapatid niyang si Claudine Barretto.
Ang pagdinig ay may kaugnayan sa kasong inihain ni Claudine laban sa asawang si Raymart Santiago.
Bilang depensa, naghain ng kanilang ebidensiya sina Raymart at Gretchen laban sa pagpapatupad ng pinetisyon na Permanent Protection Order (PPO) ng kampo ni Claudine, at sa kahilingan ng aktres na solong kustodiya sa mga anak nila ni Raymart.
Wala sa pagdinig sina Claudine at ang abugado nitong si Attorney Ferdinand Topacio. Ni-representa sila ng associate lawyer ni Atty. Topacio na si Atty. Ivy Cabatingan.
Sa pakikipag-usap ni Gretchen sa ilang miyembro ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng pagdinig, sinabi niyang naroon sila ng kapatid niyang si Jayjay at asawa ni Claudine na si Raymart, upang ihayag ang katotohanan.

Read it more at, PEP
SPONSORED LINKS
 
Top