SPONSORED LINKS
In the recent Star Magic Ball 2013 held at the Fairmont Hotel on September 7 , Nikki Gil has spoken for the first time and assured the reporters that she has already move on .
"I'm fine , I'm fabulous, thank you ..."
" I'm good , I'm fine . Of course prayer ... of course with the support of the family and friends . Letting go, forgiveness and understanding , " shared Nikki.
Pep.ph has the scoop story:
Sa kabila ng mga naunang pagsasalita ni Billy Crawford tungkol sa break-up nila ni Nikki Gil, naging tikom ang bibig at laging umiiwas ang TV host/actress sa tuwing tatanungin siya sa naging paghihiwalay nila ng ex-boyfriend.
Pero sa katatapos na Star Magic Ball 2013 na ginanap sa Fairmont Hotel kagabi, September 7, ay nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon si Nikki at siniguro nito na maayos na siya ngayon at nakaka-move on na.
“I’m fine, I’m fabulous, thank you.
“I’m good, I’m fine. Siyempre pagdadasal... of course with the support of the family and friends. Letting go, forgiveness and understanding,” panimulang bungad ni Nikki.
Ang relasyon nila ni Billy ang maitututuring na kauna-unahang seryosong relasyon ni Nikki na inakala na nga ng lahat na mauuwi na sa kasalan.
Sa lalim ng pagmamahal na binigay ng aktres sa ex-boyfriend, alam ng lahat na ininda at iniyakan ng husto ni Nikki ang nangyari.
“Well, I keep that to myself, but siyempre marami ding concerned, maraming nagpapakita ng malasakit. Okay na po ako. Maraming, maraming salamat sa inyo.”
“I wanna say na mahirap, paiba-iba naman yun... depende naman yun sa tao. I was very blessed to have a very prayerful family and supportive friends,” pagpapasalamat niya.
Ayon kay Nikki ay napatawad na niya si Billy lalo’t naniniwala siya na parehong may pagkukulang ang bawat isa sa isang relasyon na hindi tumagal at tuluyang umusbong.
“Oo naman, sino naman tayo para di magpatawad? It takes two to tango, mayroon din naman tayong pagkakamali,” pag-amin ng dalaga.
DIFFERENCES IN VALUES. Iba’t ibang kuwento at spekulasyon ang lumabas tungkol sa dahilan ng breakup nila Nikki at Billy.
Nandiyang may kumukuwestiyon sa pagkakalaki ng aktor. Mayroon namang nagsasabi na babaero raw ito kung saan isa nga sa naiturong third party raw sa paghihiwalay nila ay si Andi Eigenmann.
Para kay Nikki, ang pagkakaiba ng mga values nila ng ex-boyfriend ang pinakarason na maibibigay niya.
“At this point I don’t think it’s any of my business anymore. Differences in values, that’s really what it was,” patungkol ni Nikki sa pinakasanhi ng kanilang paghihiwalay.
Sa nakaraang interview kay Billy ay inamin nito na binati niya ang ex-girlfriend nung nakaraang kaarawan nito last August 23. Tinanong namin si Nikki kung bukas ba siya sa ngayon sa pakikipagkaibigan sa ex.
“Yes, I got a message. I said thank you.”
“Friendship? Maybe in due time pero huwag muna ngayon,” paglinaw ni Nikki.
Sa ngayon bukod sa ASAP 2013 at sa MYX ay abala si Nikki sa taping ng Maria Mercedes at nakatapos na rin siya ng isang indie film.
“I just finished doing an indie film with Direk Chito Roño, I’m presently shooting Maria Mercedes at Primetime Bida very soon,” pagtatapos niyang pahayag.
Source: Pep.ph via Melba Llanera
SPONSORED LINKS
 
Top