SPONSORED LINKS
LIFE STORY NG YOUTUBE SENSATION NA SI 'ELEVATOR GIRL,' IBABAHAGI SA "MMK." 

Mapapa-"thank you, Ma'am, Sir" ang fans ng YouTube sensation na si Cherry Alejandrino, na mas kilala ngayon bilang si 'Elevator Girl,' dahil tampok ang life story nito sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Setyembre 28).
Ang award-winning actress na si Meryll Soriano ang gaganap bilang si Cherry. Ano ang kwento sa likod ng pagiging magiliw, masipag at napakamasayahing elevator attendant ni Cherry?
Bahagi rin ng 'Elevator Girl Story' sina Eric Fructuoso, Boboy Gorovillo, Susan Africa, Dang Cruz, Jennifer Lee, Perla Bautista, at Marikit Morales. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Don Cuaresma, panulat ni Mark Duane Angos, at pagsasaliksik ni Agatha Lee Ruadap. Huwag palampasin ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN.
Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

SPONSORED LINKS
 
Top