SPONSORED LINKS
Sarah Lahbati gave birth to her and Richard Gutierrez's first child together. Source: pep.ph

Nanganak na si Sarah Lahbati sa Europa nung bandang katapusan ng Abril. Isang mapagkakatiwalaang PEP.ph source ang nagsabing isinilang na ng dating Kapuso actress ang anak nila ng kapwa niya dati ring Kapuso artist na si Richard Gutierrez

Isa raw MMS o larawan ng sanggol—na pinangalanan raw na Zion—ang ipinadala sa pamilya Gutierrez mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas, nung nasa kainitan ng pangangampanya si Annabelle Rama, ina ni Richard, para sa pagka-Kongresista ng Cebu. Humingi ng kumpirmasyon ang PEP kay Jun Lalin, official publicist ng pamilya Gutierrez, ngunit sinabi nitong wala siyang magagawang statement sa ngayon. Balik-tanong niya, "Saan niyo naman nakuha iyan? Sino nagsabi?" 

Nang tanungin uli siya ng PEP associate editor na si Rommel Llanes, sinabi ni Jun, "Anong magagawa kong statement, nasa abroad si Tita Annabelle, madaling araw ngayon duon. Babalikan ko na lang kayo." Sa magkahiwalay na Instagram postings nina Sarah at Richard ng Agosto 5, makikitang pareho silang nasa Malibu Beach, California, USA.
SPONSORED LINKS
 
Top