SPONSORED LINKS
Dennis Trillo dumps Tom Rodriguez, finds new love in ‘My Husband’s Lover’

Last night's episode of GMA's controversial gay themed series, "My Husband's Lover" opened with an entire 9-minute segment devoted to just one scene: a dialogue between (Vincent) Tom Rodriguez and (Lally) Carla Abellana.
In the said scene, Vincent and Lally were laying on their bed but, unlike most couples, they were inches apart from each other. Obviously, after Lally's discovery of his husband's affair with Eric, their (Vincent and Lally) relationship has turned a bit cold.
Lally asked whether Vincent would one day turn into a loud, crossdressing gay that his kuya Zandro (Keempee de Leon) has become. Vincent explained to Lally that he and Zandro are very different: that Zandro -- and gays like him -- believe that they are women and so they dress, act, and think like they are real women -- but he (Vincent) is a different type of gay.
Here's a transcript of the dialogue that ensued:
LALLY:
Pero 'di ba ganun naman talaga ang mga gay? Feeling nila babae talaga sila?
VINCENT:
Hindi lahat. Iba iba… KAMI. May iba na malamya ang kilos, pananalita, pati nga pananamit nila makukulay e. Gusto nila lahat ng gamit na pambabae, yun din ang gusto nila. Pero tanggap pa rin nila na lalaki sila at kahit kailan ay wala silang planong mag anyong babae.
Alam nila na kahit lalaki sila iba pa rin sila e kasi kapwa lalaki rin ang gusto nilang mahalin.
Hindi ako ganun, mommy. Hindi ako malamyang kumilos o magsalita. Pati mga interes ko kotse, golf, lahat puro panlalaki. Hindi naman sa nagtatago ako; ganito talaga ako e. Ganunpaman, alam ko pa rin na gay ako kasi na-a-attract pa rin ako sa…
LALLY:
…kapwa mo lalaki?
VINCENT:
(Silence) I'm sorry. Mommy, hindi ka na kasi dapat nagtatanong e.
LALLY:
'Pag hindi ako nagtanong, paano kita makikilala. Asawa kita, dapat kilala kita. Kung na-a-attract ka sa lalaki, bakit kay Eric e kagaya mo rin siya, pareho kayong gay?
VINCENT:
Kasi ang tunay na lalaki imposibleng magmahal sa kagaya namin sa paraan na gusto namin. Pero sa mga gaya namin, kaya nilang ibigay ang sarili nila sa amin na buong buo: isip, puso, kaluluwa. Kaya aminado ako na para rin kaming mga babae na kailangan namin ng yakap na matigas, na mahigpit na galing sa isang lalaki.
Mommy, hindi ko sinasabi 'to para saktan ka. Gusto ko rin naman ang yakap mo e dahil binubuo mo ako. Sana maintindihan mo.
LALLY:
I'm a big girl, Daddy. Marami man akong nalaman sayo na mas nakasakit sa akin, ang importante ngayon ay nag-o-open up ka na sa akin. Thank you.
VINCENT:
Malaking bagay din naman ito para sa akin e dahil ang tagal tagal ko nang itinago ito sa loob ko. Finally… finally, ngayon may nakakausap na ako tungkol dito. Kaya, mommy, thank you. Thank you.
LALLY (VOICE OVER):
That night, bigla biglang nawala ang lahat ng galit ko kay Vincent. Yes, naiintindihan ko na siya kung bakit siya nakagawa ng kasalan sa akin.
Pero habang nagpapakatatag at tapang ako para sa asawa ko ay natatakot din ako. Hindi ko na nga kilala ang sarili ko. Ano Ako? Sino Ako? Asawa lang ba niya? Ina ng mga anak niya? Isang babae na pinili pa ring manindigan para sa asawa sa kabila ng lahat? Pero paano ako, ang pangangailangan ko? Ano ang kahahantungan ko?
-- End of Scene --
When will Vincent (Tom Rodriguez) find the courage to face the reality that he needs to do one and only one thing: CHOOSE?
We will know the answer soon on the exciting "My Husband's Lover" which airs weeknights after "Mundo Mo'y Akin" on GMA Telebabad.
LIKE the show's account on Facebook (http://www.facebook.com/myhusbandslover) and on Twitter (@myhusbandslover)
SPONSORED LINKS
 
Top