SPONSORED LINKS
KIM CHIU, READY NANG IBUHOS ANG MATITINDING EMOSYON


Photo Source: Fashion Pulis
Sa ‘SIR-tified’ exclusive interview ng “Showbiz Inside Report” kay Kim Chiu, na mapapanood ngayong Sabado (Hulyo 20), first time na magsasalita ang Kapamilya actress kaugnay ng tunay niyang saloobin sa pagpanaw ng kanyang ina at sa totoong estado ng relasyon nila ng Kapamilya actor na si Xian Lim.
Paano nananatiling matatag si Kim matapos pumanaw ng kanyang Mama Louella? Gaano na ba kaseryoso ang espesyal na namamagitan sa kanila ni Xian?
Samantala, isang ‘SIR-tified’ hot revelation ang dapat abangan ng “SIR” viewers mula sa sikat na showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na kapwa ibabahagi ang laman ng puso nila ngayong first anniversary nila.
Huwag palampasin ang mga pinakahihintay na pag-amin nina Kim, Xian, John Lloyd, Angelica at ng iba pang pinakamalalaking bituin sa showbiz sa trending Saturday entertainment talk show ng bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-’like’ ang Facebook fanpage nawww.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.
SPONSORED LINKS
 
Top