SPONSORED LINKS
LEA AND CHARICE’S WORLD-CLASS COLLABORATION, TO MOVE “ASAP 18” VIEWERS


World-class back-to-back collaboration ang hatid ng “ASAP 18” ngayong Linggo (Hulyo 21) sa first musical team-up ng Broadway Diva at “The Voice of the Philippines” coach na si Lea Salonga at ng international singing sensation na si Charice; na susundan ng isang astig na musical showdown ni Lea kasama ang Pinoy Rock Icon at kapwa “The Voice” coach niyang si Bamboo.

Bukod sa special back-to-back collaboration ni Lea kasama sina Charice at Bamboo, magkahalong kilig at saya naman ang handog ng “ASAP 18” sa TV viewers dahil sa romantic surprises ng Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Matteo Guidicelli, Ejay Falcon, Carlo Aquino, Patrick Garcia, Alex Medina, at Joseph Marco; at sizzling dance number ng Kapamilya leading ladies na sina Jessy Mendiola, Iza Calzado, Erich Gonzales, Nikki Gil, at KC Concepcion.

Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang tinitiliang Kapamilya team-ups kabilang sina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee ng “Muling Buksan Ang Puso;” Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce ng “Be Careful With My Heart;” at ang inaabangang love triangle ng teen stars na sina Julia Barretto, Diego Loyzaga, at Kiko Estrada.

May nakakagigil na production number din ang reigning ‘Teen Queen’ ng Philippine showbiz na si Kathryn Bernardo; “Luv U” cast members na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, at Jairus Aquino; “Goin’ Bulilit” kids na sina Bugoy Cariño, Clarence Delgado, Belle Mariano, at Brenna Garcia; at ang “My Little Juan” star na si Izzy Canillo.

Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa “ASAP 18″ centerstage sa makapigil-hiningang birthday bash ng Kapamilya actor na si Rayver Cruz; at sa grand launch ng debut album ng “Pilipinas Got Talent 3” grand winner na Maasinhon Trio.

Samantala, makiindak sa extraordinary Supahdance showcase na inihanda nina Iya Villania, John Prats, Robi Domingo, at Sam Concepcion, kasama ang “Pilipinas Got Talent 4” finalist na Balungao Robotic Dancers.

Patuloy na ipagmalaki ang world-class talent ng mga Pinoy sa larangan ng musika sa concert experience na ihahatid nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Erik Santos, Yeng Constantino, KZ Tandingan, ASAP Covers, at ng ASAP Sessionistas.

Makisabay sa galaw, sayaw, at awit ng Kapamilya stars sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 18,” 12:00 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at pagkakataong maka-hang out live ang stars ng ASAP Chill-Out, bisitahin ang http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18” sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPMove.

SPONSORED LINKS
 
Top