SPONSORED LINKS
ANGELINE, RUMAKET NA CLOWN PANTUSTOS SA PAMILYA 


Dahil sa matinding pangangailangan, magtatrabaho bilang clown ang karakter ni Angeline Quinto sa upcoming family drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" sa Sabado (Hulyo 13).
Sa kabila ng nakangiting mukha, puno ng problema si Ellah (Angeline) dulot ng sunod-sunod na pagsubok sa kanilang pamilya, lalo na nang inabandona sila ng kanyang ama.
Paano maibabalik ang saya sa isang pamilyang winasak ng kasinungalingan? Hanggang saan kakayanin ng isang anak na tumayong padre de pamilya kung siya mismo ay pinanghihinaan na ng loob?
Kasama ni Angeline sa kanyang ikalawang "MMK" sina Irma Adlawan, Joey Marquez, Bea Basa, Aldred Gatchalian, Michelle Vito, Deborah Sun, Gio Alvarez, Tanya Gomez, Marc Solis, Ingrid Dela Paz, K-La Rivera, Rufami, at Roden Araneta. Ang episode ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Benjamin Benson Logronio, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz.
Samantala, namayagpag naman sa national TV ratings noong Sabado (Hulyo 6) ang heavy drama “MMK” episode ng dating ka-love team ni Angeline na si Paulo Avelino. Base sa datos ng Kantar Media, naging no.1 overall weekend TV program ang “MMK” taglay ang 33.7% na national TV rating. Ang katapat nitong programa sa GMA na “Vampire Ang Daddy Ko” ay nakakuha lamang ng 17.4%.
Huwag palampasin ang isa namang de-kalibreng episode ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK), ngayong Sabado, 7:30 pm, pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/­MMKOfficial.
SPONSORED LINKS
 
Top