SPONSORED LINKS
JESSICA SOHO ON VICE GANDA'S APOLOGY

I acknowledge the public apology given by Vice Ganda, by way of his TV program.
I sincerely hope and pray that this was done with the purest intentions and determination to put this issue behind us.
Just to clarify certain points about my phone conversation with him -- his call came without warning as his number was not programmed in my phone directory. I told him I wasn't feeling well and I wasn't sure I was ready to talk to him. But I clearly remember thanking him for his call.
As I've said, this is not about me, but about the issue of rape not being an appropriate subject matter for comedy. Rape transcends age, economic class, gender -- and even one's weight.
Once again, I thank everyone who gave their support.
-------------

State of the Nation with Jessica Soho 
POSTSCRIPT: BAD JOKE

Naghihilom daw ang lahat ng sugat. Pero may mga sugat na hindi lamang matagal maghilom, kung hindi nag-iiwan pa ng panghabambuhay na pilat. Gaya po ng rape o panggagahasa. 

Sa lahat ng kultura, saanmang sulok ng mundo, mula noon hanggang ngayon, isa pa rin sa pinakamatinding salot sa sangkatauhan--lalo na sa mga kababaihan--ang karumal-dumal na krimen ng panggagahasa.

Sa Pilipinas, hindi bababa sa tatlo ang nare-rape kada araw. Ang mas matindi pa, rape din ang numero unong krimen na bumibiktima ngayon sa mga bata. Mas mataas pa nga raw ang bilang na ito kung tutuusin lalo na't hindi naman lahat ng biktima, handang ihayag ang hindi makataong karanasan sa madalas ay mapanghusga pang lipunan.

Sa tantiya ng United Nations, sa kada limang babae ngayon sa buong mundo, isa ang na-rape na o maaaring ma-rape pa lamang. Sa ngayon, patuloy pa raw na tumataas ang bilang ng mga biktima ng panggagahasa. Kaya naman isa po itong paksa na hinding-hindi dapat maging laman ng mga biro.
SPONSORED LINKS
 
Top