SPONSORED LINKS




Pagkatapos dumalaw sa sementeryo tuwing Undas, marami sa ating mga Pinoy ang nakaugalian nang gawin ang 'pagpag,' o ang pagpunta muna sa ibang lugar bago umuwi para raw hindi sumunod ang mga espiritu sa bahay.  Kadalasan sa kainan ang diretso, isang okasyon na rin para sa pamilya na mag-bonding at magsalu-salo.

Kaya naman naghanap ang Pop Talk ng tatlong restawran na ilang hakbang lang ang layo sa tatlong pinakamalalaking sementeryo sa Kalakhang Maynila.  Ang tampok na restos ay ang Thai Resa sa Chinese Cemetery na authentic Thai dishes ang inihahain, Redragon Buffet Restaurant sa Manila North Cemetery na P168 lang ang eat-all-you-can buffet, at ang The Room Upstairs sa Manila South Cemetery.  Huhusgahan ng ating Pop Talk reviewers ang tatlong restos na ito base sa criteria na 'food,' 'place' at 'price.' Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?

Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang food blogger na si Azrael Coladilla, ang mommy reviewer na si Gracie Ann Barcelona, at ang celebrity reviewer na 'Reyna ng Lagim,' ang paboritong horror movie actress na si Lilia Cuntapay.   Todo-costume pa sila para todo rin ang saya!

Alamin kung saan ka 'magpa-pagpag' ngayong Martes na sa 'Pop Talk: Food TR.I.P. (Restos near Sementeryos), October 23, 10PM sa GMA NewsTV!


SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top