SPONSORED LINKS



Ngayong Linggo (June 24), samahan sina PARENG OGIE at PARENG BITOY sa katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa kinagigiliwang musical-talk-show ng Kapuso Network, ang PARE & PARE!

Makipagkulitan sa bibang Kapuso child star JILLIAN WARD dahil kanyang sasagutin ang mga maintrigang tanong tungkol sa mga showbiz crush niya at ang kanyang hilig sa fairy tales. Mamangha rin sa kanyang pagkanta, sayaw at pagluto sa tulong nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy. Sino kaya ang unang susuko sa kulitan--- ang batang bibo o ang magkumpare?

Paiinitin naman ng Kapuso leading lady SOLENN HEUSSAFF ang entablado sa kanyang pag-awit at pagsayaw ng kanyang single na “Ladies Night” kasama ang hindi lang isa o dalawa… pero tatlong topless male models! Makipag-jamming din sa sikat na bandang ‘NEVER THE STRANGERS.’

Magbibigay-pugay din sina Pareng Ogie at Pareng Bitoy sa King of Comedy na si DOLPHY.

Samantala, sa USO NGAYONG LINGGO, silipin ang mga hottest showbiz news, kasama ang latest na ipinakita ni Madonna sa kanyang concert saTurkey. Magpawis at makisayaw rin sa hottest viral video, “How To Dance in The Club”. Kilalanin din ang dalawang kuwelang dance divas sa bagong video na “How Not To Dance In The Club.”

Lahat yan, mainit na ihahanda sa inyo nina PARENG OGIE at PARENG BITOY sa “PARE & PARE,” sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng ‘Pinoy Adventures’.

SPONSORED LINKS
 
Top