SPONSORED LINKS


Singer-composer and comedienne Ogie Alcasid defended his wife Regine Velasquez on bashing their son, Nate on Twitter.

Here are some tweets of Regine; "Tiningnan ko yung instagram ko kanina, may nag comment ng, 'Pangit mo' sa picture ni Nate. Sana para sa 'kin yun.

"Okay lang sa 'kin na laitin niyo 'ko, sabihin niyo pangit, mataba, baboy, baka at kung anu-ano pa.

"Okay lang 'yan sa 'kin pero 'wag naman si Nate.

"Kung pangit ang paningin niyo sa kanya okay lang din yun, pero sana 'wag niyo na ilathala pa.

"Alam niyo, marami naman ang namimintas sa 'kin.

"Hindi ako pumapatol kaya lang no'ng si Nate na, parang ang hirap naman palampasin.

"Bilang nanay siyempre proud ako picture...picturan yung anak ko. Feeling ko ang guwapo, siyempre anak ko, e."

Afterwards, she explain and apologized on her action she made:
"Pasensiya na kayo naglabas lang ng sama ng loob.

"Gayunpaman God bless pa rin sa 'yo. Sana maging masaya ka sa buhay mo. Yun lang. ;-)

"Mga friends okay na. Super okay na 'ko. Thank you sa inyong lahat.

"At least ngayon alam ko nang marunong pala akong lumaban basta para sa family ko," she uttered

Alcasid understand his wife and he knows on how she took care of their son.

"You know my wife, her dedication to Nate...ibang klase".

"Halos hindi na natutulog yun," patungkol niya kay Regine.

"Yung sensitivity niya as a mom and as my wife, is very high.

"And I understand where she's coming from.

"And I don't understand why someone can say something like that about our son, 'di ba? Baby nga yun, e.

"Kami puwede niyo naman kaming sabihan ng kung anu-ano, huwag naman yung baby.

"Kawawa naman, walang kamuwang-muwang yun, e."

Someone adviced her to stay calm and not to entertain haters/bashers.

"Sabi ko sa asawa ko, 'Alam mo 'pag ganyan, ang hirap 'pag papatol ka, e.'

"But, I think her sensitivity medyo lumamang yun. Naintindihan ko naman siya dun.

"Ang prinsipyo ko kasi, once pansinin mo 'yan lumalaki lang, e.

"Ang sa akin, kaya yung ending ng misis ko, nilagyan niya ng, 'God bless you,' which is good.

"I think gusto lang niya pangaralan yung tao at i-bless niya.

"Kasi yung ganyang mga tao, yung mga haters kulang ng pagmamahal, e, sa buhay nila. Tayo 'di naman dapat natin sila kamuhian.

"Dapat ipagdasal natin sila, para matutunan nila.

"Hindi yung makikipag-away ka rin, hindi tama yun.

"But then again, naintindihan ko ang misis ko dahil na-hurt siya talaga," saad nito.

"Sa mga haters, mga bashers, siguro gaya ng sinabi ko, palagay ko mero'n lang silang mga problema sa buhay...sa sarili nila kaya sila ganun.

"I think it's proven that most of the people who say negative things about other people think negatively about themselves.

"So, I'd like to say a little prayer for them, na sana let's think of positive things.

"Hindi yung imbes na mang-away, mas gusto ko positive tayo lahat.

"Banggitin natin yun mga maganda. Alam mo yung epekto nun sa buong sambayanan, ang ganda!".
he quips

Published with Blogger-droid v2.0.4
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top