SPONSORED LINKS



"Unscripted discussion" was what transpired between host Arnold Clavio and Rhea Santos last March 13, on GMA Network's morning show, Unang Hirit.


This was part of GMA-7's response to the letter sent last March 15 by the Philippine Football Federation (PFF), which labeled the remarks of Arnold as "racist, discriminatory, libelous and malicious."



It can be recalled that the host opined on the half-breed football stars, "hindi ko kayo kakultura" and "hindi naman kayo Filipino," and also described them as "ang yayabang."



All these was part of his violent reaction to the "sexual harassment issue" filed by Cristy Ramos, former Philippine olympic committee president against half-Spanish/half-Filipino Angel Guirado and half-Filpino/half-English Lexton Moy.



In a statement, the Kapuso network argued, "Walang nakitang racist, walang discriminatory, walang libelous at walang malicious sa mga komentaryo nina Arnold at Rhea."



It also underscored that everyone is entitled to their own point of views.




"Sang-ayon man kami o hindi sa kanilang opinyon, ang karapatan nilang ihayag ito ay kinikilala ng GMA Network tulad ng aming pagrespeto sa karapatan ng publiko at maging ng PFF na maghayag ng kanilang opinyon—basta ang nasabing opinyon ay hindi labag sa batas."



Here is the statement given by GMA Network:



Kamakailan, inireklamo ng sexual harassment ang dalawang miembro ng Philippine Azkals ni dating Philippine Olympic Committee President Cristy Ramos, anak ni dating Pangulong Ramos.


Nitong Martes,  napag-usapan po sa Unang Hirit ang sexual harassment complaint ni Cristy Ramos laban sa dalawang miembro ng Azkals kung saan nagbigay ang ilang hosts ng kani kanilang opinyon.


Kahapon, nakatanggap ang GMA Network ng liham mula sa Philippine Football Federation o PFF kung saan inireklamo ang mga komentaryo nina Arnold Clavio at Rhea Santos sa kanilang programa.


Nais po linawin ng GMA Network na ang mga inirereklamong pahayag ay hindi bahagi ng aming news reporting kung saan tanging mga statement of facts ang ibinabalita at kung saan walang puwang ang pagbibigay ng opinyon ng mga host.  Ang mga inireklamong pahayag ay unscripted discussion ng Unang Hirit hosts sa commentary segment ng programa kung saan sila ay nagpalitan ng opinyon at nagbigay ng kani-kanilang pananaw tungkol sa naturang issue.


Nalulungkot po ang GMA Network na iba ang naging intindi ng Philippine Football Federation sa mga sinabi ni Arnold.  Ang pinapatungkulan ni Arnold ay hindi kung Filipino citizen o kung may lahing Pilipino ang mga Azkals kundi kung naisapuso at naisaisip ba nila ang kulturang Pinoy.


Ang  issue na tinalakay sa Unang Hirit ay sexual harassment—isang mahalagang issue kung saan matindi ang paninindigan ng mga host.  Meron pong karapatan sina Arnold, Rhea at iba pang host na ihayag ang kanilang opinyon, isang karapatang pinoprotektahan ng ating Saligang Batas.  Sang-ayon man kami o hindi sa kanilang opinyon, ang karapatan nilang ihayag ito ay kinikilala ng GMA Network tulad ng aming pagrespeto sa karapatan ng publiko at maging ng PFF na maghayag ng kanilang opinyon—basta ang nasabing opinyon ay hindi labag sa batas.


Sa liham ng Philippine Football Federation, sinabi nilang racist, discriminatory, libelous at malicious ang mga pahayag nina Arnold Clavio at Rhea Santos.  Pero ang GMA Network po, walang nakitang racist, walang discriminatory, walang libelous at walang malicious sa mga komentaryo nina Arnold at Rhea.


Published with Blogger-droid v2.0.4
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top