SPONSORED LINKS

One of Dolphy's son, Epi Quizon break his silence about the condition of his dad.


“Madali siyang nagkasakit, konting virus lang, nagiging full-blown pneumonia, e, lalo na sa kundisyon niya ngayon.


“So, confined lang talaga.  Hindi lang kami nagpapabisita ng gano’n karami.  Pinipili lang ‘yung mga taong pumapasok. 


“And we really have to sterilize ourselves.  At saka siyempre ‘yung mga may sipon, iniiiwas namin."


Did his dad can speak to them?


“Oo naman. Nagpapatawa pa nga siya, e,” nangiting kuwento pa ni Epi.


Real condition of Dolphy?


“It’s better siguro to ask sina Eric (Quizon) o sina Zsa Zsa (Padilla).  I mean, I’m not in a position to say.


“But, uhm, he’s sickly. He’s 83 years old.


“Marami nang this and that na kumplikasyon.  Pero, ano talaga, ‘yung madalas ‘yung pneumonia.


“Pneumonia talaga ‘yong madali niyang makuha.  Konting sipon lang, nagiging full-blown pneumonia na sa kanya. 


“Pero wala siya sa hospital sa ngayon.  Nasa bahay siya ngayon.”


“Sa mga taong nagwu-worry, please, of course your prayers keep my father strong.  And the family appreciates that. A million thanks to the people who shares their prayers.  Kasi iyon talaga ang nagbibigay-lakas sa tatay ko. 


“Kaya ngayon, okey na naman siya.  Wala na naman siya sa hospital. Of course kapag nasa hospital siya kinakabahan kami.  Di ba?  Kasi 83 years old na siya, e.       


“Sana 38 years old lang siya, pneumonia lang ‘yan, kaya niya ‘yan. Pero he’s 83 na nga. Hindi na siya gano’n kabata para hindi indahin ‘yong mga pneumonia na iyon.”


Did Dolphy missed working on cam?


“Well, definitely, like ako, isa na ako sa mga papalag kapag nagtrabaho pa siya, di ba?  Isa na ako sa magsasabing tama na.


“But of course, I would still invite him to, ‘halika Dad, balik tayo sa trabaho.’ Di ba? I would still give him that, parang second wind, di ba? Kasi ano niya ‘yon, e, iyon ang nami-miss niya talaga.  ‘Yong pagtatrabaho.  ‘Yung nasa harap siya ng camera.”


“Ako, makikita naman na hindi rin ako talaga nagpapakita ng emosyon ko.  Di ba?  Kumbaga, secretive ako, e, when it comes to my emotions.


Of course, si Zsa Zsa is actually at the forefront of taking care of my Dad when he is sick.  Di ba? So siyempre kung minsan lumalabas din talaga ‘yong emosyon niya.  Kasi nga, siya ‘yung ano, talaga.


“And I salute Zsa Zsa. She has been, uhm, you would know how she loves my dad talaga.


Makikita n’yo talaga kung paano niya minamahal ang Daddy ko.  She has always been there.  Di ba? So I really salute Zsa Zsa for being there for my Dad,” Epi said


Published with Blogger-droid v2.0.4
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top