Barbie Forteza on her issues with other GMA artists


Ikaw Lang Ang Mamahalin. Kamakailan ay napabalitang nag walk out diumano si Barbie Forteza sa set ng Ikaw Lang Ang Mamahalin na siya namang pinabulanan ng kanyang ina na si Mommy Amy.

"Kasi po, may flight po kami, kasi may out-of-town show kami. Kaya bago pa po ang taping na yun, nagsabi na kami na kung puwede ay pakawalan kami ng 12 midnight. Nag-agree naman po ang production ng Ikaw Lang Ang Mamahalin. Kaya lang po, ang nangyari, 12:30 na, hindi pa nakukunan yung natitira pa na eksena, kaya umalis na kami." kuwento ng kanyang Mommy.

Dahilan nga ba siya ng pag alis sa GMA ng ibang artista? Ang isyu naman ngayon kay Barbie ay isa siya sa mga itinuturong dahilan kung bakit may mga artistang nagbabalak umalis sa GMA-7 at lumipat sa ibang istasyon.

Di raw kasi nawawalan ng project sa siyete si Barbie kaya naman may ilang mga artista ang napababalitang gusto nang iwanan ang Kapuso network.


Isa na ngang project na ibinagay sa kanya ng network ay ang tinatamasang tagumpay ng pelikulang The Road ni Yam Laranas. Magkakaroon ito ng international release sa May 11 at kasama ang buong cast sa pagpopromote nito sa Amerika.

Sa presscon na ginanap kanina sa GMA Building dumalo ang direktor na si Yam Laranas at kasama ni Barbie ang mga cast na sina Marvin Agustin, Louise delos Reyes, Alden Richards at Renz Valerio.

"Nagpapasalamat po ako sa GMA dahil sa break na ibinigay nila sa akin. Hindi ko po sila bibiguin," sabi niya.

Kuwento ni Barbie lahat daw ng klase ng pag-arte ay gusto niyang gawin. 

"Gusto kong maging action star, mag comedy at mag horror...Wala pa naman akong na encounter na multo sa tunay na buhay kaya nung ginawa namin ang The Road sobrang natakot talaga ako dun sa character ko."

Fan pala si Barbie ng mga Hollywood films at isa na nga rito ay ang Twilight Saga. Team Edward pa nga daw siya hirit niya sa amin.

Tungkol naman sa iniregalong perfume sa kanya ng ka loveteam niyang si Joshua Dionisio noong Valentine's Day.

"Hindi naman po ako na-shocked, sobrang kinilig lang po ako!

"Kaya daw po niya yun ibinigay sa akin dahil... mabango daw po yun!" sabay tawa ni Barbie.

Marry Me kasi ang tatak ng perfume na iyon. Hmmmm....14 pa lang si Barbie at grade 7 sa isang home school sa Ortigas, maaga kaya siyang magpapakasal?


Business Begins

Advocacies

Featured Blogger

 

carlovalenzona.com/thewebmagazine is Copyright 2012 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com