SPONSORED LINKS

   Matapos mapinsala ang isang pampublikong paaralan sa pagbagsak ng isang eroplano sa Parañaque City noong Sabado, kinakailangang ilipat ang mga klase ng mahigit 3,000 mag-aaral sa ibang mga kalapit na paaralan sa mga susunod na linggo.

   Ayon kay Department of Education Secretary Armin Luistro, nadamay ang F. Serrano Elementary School sa insidente.

   Sinabi rin ni Luistro na maaaring hindi pa papapasukin ang mga mag-aaral hanggang sa pagtatapos ng Christmas break.
   At sinasabi rin umano ni Luistro na aabot sa mahigit P38 milyon ang kabuuang halaga ng pinsalang tinamo ng paaralan.

   Samantala, inihayag ni Parañaque City mayor Florencio Bernabe Jr. na tutulungan umano ng lokal na pamahalaan ang mga informal settler sa pagsagawa muli ng kanilang mga bahay.

"We intend to give them reconstruction materials to rebuild their houses. Mahirap maghanap ng relocation nila, informal settler sila e," aniya sa panayam ng dzBB radio.--
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top