SPONSORED LINKS
  • Congratulations to Willie Revillame for being one of top newsmakers of the year
Pep.ph is the top entertainment portal. As the year ends, checklists are all around, may it be the wish list or the gift list for the holidays. Nevertheless, Oks.ph is giving you the list of the top newsmakers of the year according to the showbiz website PEP.ph.



WILLIE REVILLAME

Bukod sa pag-alis niya sa ABS-CBN at paglipat sa ABC-5, pinag-usapan din ng husto ang isyu tungkol sa paglabas ng live fid ng libing ni dating pangulong Cory Aquino sa dati niyang show na Wowowee. Idagdag pa ang pakikipag-away niya sa komentarista at showbiz reporter na si Jobert Sucaldito, na naganap bago niya iniwan ang kanyang show.

KRIS AQUINO & JAMES YAP

Hindi na ikinagulat ng marami ang tuluyang paghihiwalay nina Kris Aquino at James Yap ngayong taon. Bago pa kasi ang anunsiyo ni Kris sa TV na nag-"give up" na siya sa pagsasama nila ng PBA superstar ay marami nang pagsubok na dumaan sa kanila—na nalaman ng publiko dahil sa madalas na ring pagkukuwento ni Kris sa mga kaganapan tungkol sa kanya.

MANNY PACQUIAO

Dalawang matitinding laban ang napagwagian ng Pambansang Kamao ngayong 2010. Una kay Joshua Clottey ng Ghana noong Marso at pangalawa kay Antonio Margarito ng Mexico noong Nobyembre.

ROBIN & MARIEL

Matapos itanggi na ikinasal sila sa isang Ibaloi ceremony sa Baguio City noong September 13, kinumpirma naman ni Robin na ikinasal sila ni Mariel sa Taj Mahal sa Agra, India noong August 19 sa Taj Mahal sa Agra, India.

CLAUDINE & ANGELICA

Naging mainit ding isyu noong 2010 ang alitan sa pagitan ng dating magkaibigan na sina Claudine Barretto at Angelica Panganiban.
JOHN LLOYD & SHAINA

Pinag-usapan din sa showbiz ang pag-amin ni John Lloyd Cruz tungkol sa estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao. Bago nito ay na-link muna si John Lloyd sa aktres na si Ruffa Gutierrez.

Nagsimula bilang blind item, kumalat ang malisyosong balita na isinugod umano sa isang ospital si John Lloyd at Shaina dahil umano’y rare medical condition na tinatawag na "penis captivus."

GERALD & KIM

Naging makulay rin ang 2010 para sa isa sa pinakasikat na tambalan sa bansa—ang Kimerald o Kim Chiu at Gerald Anderson.

PNOY & SHALANI

Isa rin sa pinakamainit na balita ngayong taon ay ang breakup nina President Noynoy Aquino at Valenzuela councilor Shalani Soledad.

REGINE & OGIE

Noong December 22, 2010 ay naganap ang "wedding of the year" nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid—dalawa sa pinakasikat na singers at artista sa Pilipinas.

MARIAN AND BELA

Isa pang alitan na pinag-usapan ngayong taon ay ang kina Marian Rivera at Bela Padilla.
Magkasama ang dalawa sa dating primetime series ng GMA-7 na Endless Love, at sa set ng show na ito nagsimula ang isyu tungkol sa kanila.

CHARICE PEMPENGCO

Gumanda nang husto ang international career ni Charice ngayong 2010.

HUBERT WEBB

Pagkatapos ng labinlimang taon ng pagkakakulong ay nakalaya na si Hubert Webb noong December 14 pagkatapos baliktarin ng Supreme Court ang desisyon ng lower courts sa Vizconde murder case.

The comments and stories were written by Mr. Santiago of the credible bizsite PEP.
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top