SPONSORED LINKS
Ipinakilala ng direktor na si Yam Laranas noong 2004 ang horror movie na “Sigaw”. Ito ay naging box office hit hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang panig ng mundo. Matapos ang isang taon, nakatanggap si Laranas ng tawag mula sa isang reporter ng Daily Variety. Sinabi nito na gustong mapanood ng producer na si Roy Lee ang pelikula kaya nagpadala ang direktor ng kopya ng “Sigaw” sa US. Nagustuhan naman niya ito. “Certain scenes made me jump and I have seen so many other horror movies where that never happens,” ani Lee. Si Lee ang taong nasa likod ng mga Asian films na nagkaroon ng Hollywood remake tulad ng “The Ring I, II and III” (Ringu, 1998, Japan), “The Grudge I, II & II” (Ju-on, 2000, Japan), “The Departed” (Mou gaan dou [Infernal Affairs], 2002, Hong Kong), “The Lake House” (Siworae, 2002, Korea ) at “Dark Water” (Honogurai mizu no soko kara, 2002, Japan). “Sigaw stood out as a really well-crafted movie and when I found out Yam had made the film for well under a million dollars and had done such a great job, I wondered about what kind of picture he might make if he was given the resources to do a full Hollywood production,” pahayag ni Lee. Kaya naman nakarating ang obra maestra ni Laranas mula Manila hanggang Manhattan, at ang “Sigaw” ay naging “The Echo”. May kaunting pagbabago ang “The Echo” para bumagay sa mga Amerikanong manonood. Sa orihinal na “Sigaw”, lumipat ang bidang karakter sa isang bagong apartment. At nang madiskubre niya ang mga nakakatakot na sigaw na naririnig mula rito, pinilit siya ng kanyang girlfriend na umalis sa apartment, ngunit hindi niya ito sinunod. Para sa Hollywood version nito, hindi ito ang ginawang sentro ng kuwento. “We solved that problem by giving Bobby, the main character, a criminal record and because of the terms of his parole, Bobby has to stay in the apartment where his late mom used to live,” paliwanag ni Tyler Mitchell, isa sa mga producers ng “The Echo”. Iniba rin ang lokasyon ng “The Echo” mula Manila patungong Manhattan. Ang Amerikanong aktor na si Jesse Bradford ang gumanap sa papel na dating ginampanan ni Richard Gutierrez. Nang ialok sa kanya ang papel na Bobby Reynolds, binigyan si Bradford ng kopya ng “Sigaw” upang kanyang mapanood. “I thought Yam had a terrific visual sense and I had never taken on a role like this.” Samantala, muling nagbabalik si Iza Calzado upang gampanan ang kanyang orihinal na papel sa pelikula. “It’s hard to find someone who can be both sympathetic and horrific in the same film. Iza lends herself well to both,” ani Mitchell. Para kay Laranas, ang paggawa niya ng Hollywood version ng “Sigaw” ay isang magandang karanasan. “I got to relive the days when I made the original, but correcting my mistakes and making it better this time, working with people who were there to help me tell the story better and on a bigger scale, and that was gratifying.” Mula sa Viva International Pictures, mapapanood na ang “The Echo” simula September 30.
SPONSORED LINKS

Post a Comment Disqus

 
Top